Search
  • Marts

Valentines Day

Trivia: Alam niyo ba na ang kantang Hues ay sinulat bilang regalo sa araw ng mga puso? Korny pero totoo, happy.mp3 nga lang yun title nun nung pinarinig ko, naging Hues lang title nung naisip na naming gawing pang buong banda sa Diff.


Yung kanta tungkol sa bagong pagasa,yung tipong sawang sawa kana sa ginagawa mo, araw araw trabaho, routine na black and white tas biglang may nag introduce sayo ulit ng kulay, ganun yung konsepto nung Hues.


Isang taon na rin pala mula nung nirelease namin yung Acoustic Version. Hindi namin akalain na magkakaron siya ng ganun karaming streams. Salamat sa lahat ng sumusuporta at nakikinig sa munti naming banda.

Kung may Spotify kayo follow niyo kami may link sa ibaba. Thank you!


0 views

 2019 The Differential